Wednesday, August 15, 2012
Thursday, August 2, 2012
Sunday, February 5, 2012
Thursday, January 5, 2012
Wednesday, September 21, 2011
Saturday, July 23, 2011
Gripo Reboot
Naisakatuparan na po ng GREEPO Comics at matagumpay na naitawid ang unang pagtitipon-tipon ng mga dakilang anak ng sining at mga nagmamahal sa komiks sa pamamagitan ng FB3C o First Baguio City Comics Convention! At dahil po sa kaganapang ito ay napagbuklod ang maraming mga malikhaing isip na magtataguyod ng ilang pagbabago patungo sa muling pagsibol ng industriya ng komiks, lalo na dito sa Siyudad ng Baguio kung saan mararamdaman talaga na isa na lamang multo ang komiks.
Gripo reboot ang itinawag namin sa aming pinakabagong proyekto kung saan susubukan naming ipalaganap ang komiks sa mga lansangan ng Baguio City. Kaya reboot ay dahil ang Gripo comics ay dati na naming nailathala bilang isang Indie comics sa aking pakikipagsapalaran sa mga comics conventions na ginaganap sa kamaynilaan at ngayon ay muli naming ilalathala sa panibagong ayos at panibagong paraan ng paglalantad sa publiko.
Simula sa buwan ng Agosto ay magiging laman na ng bangketa ang Gripo komiks at ilan pang komiks na nilikha ng mga anak ng sining ng Baguio City! Ang mga kuwento na inaasahang magpaganda sa mga pahina nito ay ang “Sugat ng Bayani,” “Sex and Sorcery,” “The Curfew,” “Goto King,” “MXP,” atbp.
Kasalukuyan po kaming naghahanap pa ng mga kontribusyon o mga ambag mula sa mga taong nagmamahal sa komiks upang lalong mapadali ang aming paglalathala at muling pagbibigay-buhay sa naghihikahos na industriya ng komiks.

Subscribe to:
Posts (Atom)